Quantcast
Channel: Police Report Archives - UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 843

Ulat sa umano’y planong pananabotahe sa halalan, bini-beripika na — PNP

$
0
0

MANILA, Philippines — Inaalam na ng Philippine National Police (PNP) ang ulat hinggil sa umano’y planong pananabotahe sa darating na May 2022 elections.

Ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, pinakikilos na niya ang kanyang mga tauhan para beripikahin ang umano’y intelligence report na natanggap ni Senator Panfilo Lacson kaugnay ng banta.

“Actually, meron but we’re still validating all these intelligence reports. Kasi hindi naman pwedeng agad-agad i-share sa public kung hindi validated. We’re very careful along this line,” ani Carlos.

“We’re still working on it to validate but there are numerous reports, actually, pointing to this subversion or subverting the will of the people,” dagdag pa niya.

Sa press conference na idinaos noong Linggo, Abril 18, ng tatlong presidential at dalawang vice presidential candidates sa Manila Peninsula inihayag ni Lacson ang umano’y mga impormasyon kaugnay ng posibleng destabilisasyon sa paparating na halalan.

“Sinu-subvert na ba natin ‘yung will ng mga electorate, ng mga tao, maski wala pang halalan? ‘Yung it’s bad enough na merong mga lumalabas na balita na baka ‘yung mismong eleksyon, on election day, baka merong mga sinister attempt na parang i-subvert ‘yung will of the people,” ani Lacson.

Ayon kay Carlos, makikipag-ugnayan ang PNP kay Lacson upang makakakuha ng karagdagang detalye ukol rito.

“We will get the details from Sen. Lacson para matingnan namin. So far si Val de Leon is monitoring for the election, wala naman tayong major report na ganun eh. So we will get it from Sen. Ping,” ang wika ng hepe ng PNP.

Kasama rin aniya sa bina-validate ng PNP ang lumutang na impormasyon na posibleng magkaroon ng gulo kapag natalo sa eleksyon si presidential candidate Leni Robredo.

Bukod pa ito sa naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa di-umano’y pakikipag-alyansa ng mga “Dilawan” o oposisyon sa Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA).

“What we can assure the public is we are ready for it… Huwag ho kayo mag-alala, nakahanda naman ho kami,” ang pahayag ng PNP chief.

Pagtitiyak naman ni Carlos na handa na ang security measures ng pambansang pulisya para sa darating na halalan.

Sisimulan na rin sa susunod na linggo ang pagpapakalat ng admin staff ng PNP bilang augmentation force ng mga magbabantay sa eleksyon.

The post Ulat sa umano’y planong pananabotahe sa halalan, bini-beripika na — PNP appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 843