Quantcast
Channel: Police Report Archives - UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 843

PNP, aminadong malaking hamon ang pagsugpo sa vote-buying

$
0
0

MANILA, Philippines — Inamin ng Philippine National Police (PNP) na malaking hamon para sa kanila ang pagsugpo sa vote-buying at -selling activities sa panahon ng halalan.

Ayon kay PNP Directorate for Operations chief Major General Val de Leon, iba’t ibang paraan ang maaari ngayong gamitin sa pamimili ng boto, gaya ng online cash transfer at iba pang mobile application na hindi madaling ma-trace.

Gayunman, tiniyak ni De Leon na sisikapin ng pulisya na alamin ang money trail o pinagmulan ng pera upang mahuli ang mga sangkot sa vote-buying.

Nagbigay na rin aniya ng direktiba si PNP chief Police General Dionardo Carlos sa lahat ng unit commanders na imbestigahan at respondehan ang mga napapaulat na insidente ng vote-buying.

Makikipag-ugnayan din ang PNP sa administrators ng mobile phone applications upang masawata ang mga ganitong aktibidad.

Ang PNP ay bahagi ng Task Force Kontra Bigay na pinangungunahan ng Commission on Elections na naatasang mag-imbestiga sa mga kaso ng vote-buying at -selling ngayong halalan.

The post PNP, aminadong malaking hamon ang pagsugpo sa vote-buying appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 843