
CONTRIBUTED PHOTO: Isang kinatay na anteater na tinitimbang (COURTESY TO THE ORIGINAL SOURCE.)
PALAWAN, Philippines — Nagsasagawa na ng hakbang ang mga otoridad kaugnay ng umano’y iligal na bentahan ng mga hayop lalo na ng mga endangered species gaya ng anteaters sa Palawan.
Sa ngayon ay binabantayan na ang bawat bayan sa lalawigan lalo na ang mga lugar na hinihinalang may operasyon ng illegal trading ng wildlife.
Samantala, nailibing na ang mga karne ng pangolin na nakuha sa sumadsad na Chinese fishing vessel sa Tubbataha Reef.
Sa ngayon ay humahanap na ng paraan ang Palawan Council for Sustainable Development Office (PCSD) upang ma-dispose ng maayos ang mga kahon na pinaglagyan ng mga patay na hayop.
Wala pa ring inilalabas ang PCSD sa resulta ng ginawa nilang pagsusuri sa origin o pinagmulan ng mga nasabing pangolin. (Andy Pagayona & Ruth Navales, UNTV News)