Quantcast
Channel: Police Report Archives - UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 843

11 miyembro ng NPA sa Bulacan, nahulihan ng mga baril at permit to campaign materials

$
0
0
Ang ilan sa mga matataas na kalibreng baril na nasabat ng PNP-Bulacan sa mga umano'y NPA kamakailan. (UNTV News)

Ang ilan sa mga matataas na kalibreng baril na nasabat ng PNP-Bulacan sa mga umano’y NPA kamakailan. (UNTV News)

BULACAN, Philippines – Labing-isang umano’y mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang dinakip ng mga awtoridad sa Bulacan matapos mahulihan ng matataas na kalibre ng baril at permit to campaign materials.

Ayon kay Major General Gregorio Catapang Jr. ng 7th Infantry Division, mapayapa namang sumuko ang mga suspek matapos madakip sa isang operasyon sa Barangay Kabayunan sa bayan ng Doña Remedios Trinidad na kilalang pugad ng NPA.

“They never expected us to be there kasi nga naabutan sila naglilinis pa ng baril, there was no fire fight, they surrendered peacefully and that is based on the rules of engagement. We will not fire at them unless we were fired upon.”

Ayon kay Lt. Col. Bernardo Ona, natunugan ang operasyon ng grupo matapos umanong magsumbong sa mga otoridad ang isang kandidato na umano’y pinadalhan ng sulat ng mga rebelde.

“Nun pong last week meron pong napadalhan, yun pong mismong kandidato na napadalhan nagsumbong po sa atin, hinihingan po ng 2-high powered firearms.”

Posibleng maharap ang mga suspek sa kasong illegal possession of firearms, paglabag sa election gun ban at Human Security Act.

Patuloy naman ang pagtugis ng mga otoridad sa natitira pang kasamahan ng mga suspek. (Lissa Ponce & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 843