
FILE PHOTO: Mga mag-aaral sa labas ng gate ng isang high school sa Quezon City. (UNTV News)
MANILA, Philippines — Kasabay ng pagbabalik eskwela ng mga estudyante sa susunod na linggo, maglulunsad ng mas madalas na operasyon ang PNP-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) laban sa mga sindikato ng iligal na droga sa bansa.
Ito’y matapos na ipag-utos ng pamunuan ng AIDSOTF ang pagtugis sa mga pusher o mga nagbibenta ng iligal na droga malapit sa mga eskwelahan at unibersidad.
Ayon kay PNP-AIDSOTF, Investigation and Legal Division Chief, P/SInsp. Roque Merdegia Jr., madalas na ibinibenta ng mga sindikato sa murang halaga ang iligal na droga sa mga estudyante.
Paalala pa ng pulisya sa mga magulang, mahigpit na imonitor ang kanilang mga anak upang maiiwas sa bisyo tulad ng ilegal na droga. (UNTV News)