Quantcast
Channel: Police Report Archives - UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 843

Anti-Motorcycle Riding Criminals, inilunsad ng QCPD

$
0
0
Ang ilan sa mga miyembro ng Anti-Motorcycle Riding Criminals (MRC) na inilunsad ng Quezon City Police District o (QCPD) na binubuo ng  ng may 2,000 volunteers at mga pulis upang makatulong sa pagsugpo sa kriminalidad na kinasasangkutan ng mga naka-motor na mga kriminal. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Tiwala ang Quezon City Police District (QCPD) na mababawasan ang krimen na kinasasangkutan ng mga naka-motorsiklo.

Ito’y sa paglulunsad ng Anti-Motorcycle Riding Criminals (MRC) sa lungsod na binubuo ng may 2,000 volunteers at mga pulis.

Ayon kay QCPD Director Senior Supt. Richard Albano, magsisilbi ring force multiplier ang mga miyembro ng anti-MRC katuwang ng mga pulis sa paglaban sa krimen.

“Ito yung force multiplier ng PNP, ito yung mata natin sa kalye , tenga natin sa barangay laban sa kriminalidad.”

Sinabi naman si PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima na pag-aaralan nila kung ipatutupad din sa ibang lugar ang pagkakaroon ng force multiplier laban sa kriminalidad.

“This is a voluntary project and this is innovation being made so tingnan natin if it is work in Quezon City siguro maaaring yung ibang station at ilang provinces may adopt the concept.” (Lea Ylagan & Ruth Navales, UNTV News)

Viewing all articles
Browse latest Browse all 843