
FILE PHOTO: PNP PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor (UNTV News)
QUEZON CITY, Philippines — Mariing kinokondena ng pamunuan ng Philippine National Police ang pananambang ng New People’s Army (NPA) sa mga miyembro ng Regional Public Safety Battalion o RPSB sa Brgy. Sta. Margarita, Baggao, Cagayan nitong Martes.
Anim na pulis ang namatay at 15 ang nasugatan sa insidente.
Ayon kay PNP-PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, magsasagawa sana ng imbestigasyon ang mga tauhan ng RPSB sa ginawang panununog ng rebeldeng grupo sa mga heavy equipment ng isang kontraktor na tumanggi sa extortion activities ng grupo.
“The acts of NPA clearly show the utter disregard of human life and concern of the welfare of the local populist despite of the effort of the government to uplift the well-being of the people of Cagayan thru sustain developments,” ani P/CSupt. Wilben Mayor.
Sinabi pa ni Mayor na sa ngayon ay patuloy ang hot pursuit operations ng PNP at AFP laban sa mga rebelde at itinaas na rin sa full-alert status ang pwersa ng PNP sa Cagayan.
Sasampahan na rin nila ng reklamo ang grupo ng NPA na responsable sa nasabing ambush.
Samantala, tiniyak ng Malacañang na mabibigyan ng hustisya ang mga biktima sa naturang insidente.
Pahayag ni Presidential Spokesperson Sec. Edwin Lacierda, “We certainly condemned those people who perpetrated that attacks on our police… and we will go after those who have perpetrated this.”
Kasunod ng pakikiramay, tiniyak din ng pamunuan ng PNP na makatatanggap ng mga benepisyo ang mga namatay at maging ang mga nasugatang pulis.
“Six months salary, allowances and bonus, death pension benefits equivalent to 50% base pay and long pay, commutation of accumulative leave, reimbursement of hospitalization expenses for wounded in action, special educational program and benefits outside of PNP also,” ani Mayor.
Kinilala ang anim na nasawi na sina: PO1 Ryan Annang, PO1 Derrel Sunico, PO1 Arjay Bautista, PO1 Rogelio Alfonso, PO1 Julius Soriano at si PO1 Jaypy Aspiros.
Habang ang 15 nasugatan ay sina: PSI Arnel Acain, PO3 Jeremy Gacias, PO1 Olier Cabildo, PO1 Elvis Madali, PO1 Edmar Mallillin, PO1 Jobert Ducusin, PO1 John Fritz Balunsat, PO1 Rich Mondiesto, PO1 Kelvin Taguibao, PO1 Jae Mark Camarauan, PO1 Mark Lester Layugan, PSInsp. Clan Cabansi, PO2 Jay Polmelad, PO1 Estanislao Calayan at si PO1 Mateo Ballad.
Nabawi ng mga pulis sa naturang insidente ang eksklusibong baril ng Special Action Force na nakuha ng mga rebelde sa Alapaan, Cagayan. (LEA YLAGAN / UNTV News)
The post PNP kinondena ang pagpatay ng NPA sa 6 na pulis sa Baggao, Cagayan appeared first on UNTV News.