Quantcast
Channel: Police Report Archives - UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 843

Pagpayag ng Sandiganbayan na makapagpiyansa ang ilang akusado sa PCSO fund scam, kaduda-duda — Abad

$
0
0

Dean Antonio Abad (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagdududa ang beteranong abugado na si Dean Antonio Abad sa pagpayag ng Sandiganbayan na makapagpiyansa ang ilan sa mga akusado sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) fund scam.

Ayon kay Dean Abad, hindi dapat pinayagan ng korte na makalaya ang mga akusado dahil pantay-pantay ang bigat ng kanilang mga kaso.

“Crime plunder filed against GMA are based upon conspiracy, predicated upon conspiracy so the act of one is the act of all such being the case all the co-conspirator being principals there are all guilty the same way, the penalty the same.”

July 2011 nang maghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang ilang pribadong indibidwal na inaakusahan si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Arroyo sa maanomalyang paggamit ng intelligence fund ng PCSO na nagkakahalaga ng P366 million.

Kasama rin sa inihaing reklamo ang iba pang dating opisyal ng PCSO.

Nakitaan ito ng Ombudsman ng probable cause at mabilis na isinampa sa Sandiganbayan at agad ring naglabas ng arrest order laban sa mga akusado.

Subalit nitong mga nakaraang buwan, lima sa pitong akusado ay pinayagan ng korte na makapag-piyansa para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Kabilang sa mga ito sina dating COA Chief Reynaldo Villar, dating PCSO Chairman Sergio Valencia, dating PCSO Board Raymundo Roquero, dating PCSO Board of Directors Jose Taruc V at Manuel Morato.

Hindi naman pinayagang magpiyansa sina dating PCSO Assistant General Manager for Finance Benigno Aguas na kasalukyang nasa PNP Custudial Center sa Camp Crame, at Congresswoman Arroyo na naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Ayon sa korte, pinayagan nilang pansamantalang makalaya ang lima dahil mahina ang ebidensya laban sa mga ito, habang si CGMA at Aguas naman ang sinasabing may pinakamalaking partisipasyon sa sinasabing anomalya na kinuwestiyon naman ni Dean Abad.

Ayon sa kanya, “In conspiracy the responsibility of all conspirator are similar their responsibility are collective not individual.”

Naniniwala si Abad, na hindi malayong mangyari na lahat ng mga akusado ay payagang magpiyansa at pansamantalang makalaya.

“Pag pinakawalan mo ang isa pakawalan mo ang lahat pag di mopinakawalan ang isa wag mong pakawalan ang lahat… The way I look at it she will be acquitted,” saad pa ni Abad. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 843