Quantcast
Channel: Police Report Archives - UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 843

Mga pulis at sundalo, hindi bawal maghanap ng legal na dagdag pagkakakitaan

$
0
0

Hinihikayat ng Pambansang Pulisya ang mga kawani nito na magkaroon ng karagdagang source of income dahil sa nararanasang di mapigil na pagtaas ng mga gastusin sa pamumuhay subalit ito ay nararapat lamang na ito ay legal at hindi makakaapekto sa oras ng serbisyo. FILE PHOTO. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)

MANILA, Philippines — Dahil sa pagtaas ng matrikula at presyo ng pangunahing bilihin, hinikayat ng Philippine National Police ang kanilang mga tauhan na maghanap ng extra subalit legal na pagkakakitaan.

Ito’y upang maiwasan na gumawa ng labag sa batas ang mga pulis dahil sa kapus ang kanilang monthly income.

Ayon kay PNP Spokesperson P/SSupt. Wilben Mayor, nararanasan nila ang hirap ng buhay kayat naiintindihan nila kung mag-negosyo o maghanap ng extrang trabaho ang kanilang mga kasamahan basta hindi makakaapekto sa kanilang trabaho bilang pulis.

“As long as you follow legal rules, you are not performing you extra job while you are in duty, I think we should encourage our personnel to do a legal job, legal source of other income — mag negosyo, para madiscourage to do illegal activities,”anang tagapagsalita ng Pambansang Pulisya.
Maging ang Armed Forces of the Philippines ay pabor din sa pagkakaroon ng dagdag na pagkakakitaan ng kanilang mga tauhan.

Pahayag ni Lt. Col. Ramon Zagala, AFP public affairs chief, “Wala sa policy natin na bawal ang mag negosyo as long as you do not eat government time.”

Karamihan sa mga pulis at sundalo ay nagmamaneho ng mga pampasaherong sasakyan at ang iba naman ay nag-nenegosyo.
Gayunpaman, marami sa mga pulis sa ngayon ay pumapasok sa negosyong paluwagan.

Ani PO1 Roberto Pajada ng Calamba PNP, “Malaking tulong sakin itong business na ito, noong una hirap ako sa aking buhay.”

Patotoo naman ni Mr. Lorenzo Vargas Jr, “Marami pong natulungan na mga matatagal nang empleyado na ilang taon na po sila, pero habang tumatagal ay lumiliit ang kanilang perang sinasahod.”

Apatnapung pulis na ang kasama sa nasabing paluwagan o new business opportunity na malaki ang naitutulong sa kanila lalo na ngayong panahon ng enrolment. (LEAH YLAGAN / UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 843