
Picture of the IOF 32 Revolver with S&W (L) cartridges (Anupam Kamal via Wikipedia)
MANILA, Philippines – Umaabot na sa dalawang libo at anim na raan (2,600) ang bilang ng mga indibidwal na nahuling lumabag sa umiiral na election gun ban.
Ayon kay PNP Chief Director General Alan Purisima, ang bilang ay mula nang ipatupad ang gun ban noong Enero 13 hanggang ngayong buwan ng Abril.
Umabot naman sa mahigit 2-libo ang bilang ng mga nakumpiskang baril at karamihan sa mga ito ay walang lisensya.
Tiniyak naman ng pambansang pulisya na magpapatuloy ang kanilang kampanya kontra illegal o loose firearms sa bansa kahit natapos na ang halalan sa Mayo. (UNTV News)